Biyernes, Agosto 15, 2014

Paano mag Apply ng BDO ATM Card?

Hello! Ituturo ko sa inyo kung paano ang pinakamadaling paraan para mag apply ng Banco de Oro or BDO ATM Card o BDO ATM Debit Card. Sundin nyo lang po itong mga simpleng steps na gagawin.

STEP 1
Maghanda at magdala ng mga kelangan na requirements:

A.) At least 2 Valid ID's (Original Copies and Photocopies)
  • School ID
  • Company ID
  • Driver's License ID
  • NSO Birth Certificate
  • Barangay Clearance
  • NBI Clearance
  • Police Clearance
  • Postal ID
  • Passport
  • SSS ID
  • TIN ID
  • Or any other VALID ID
B.) Dalawang (2) 1x1 Colored Pictures

C.) 2,000 Php Initial Deposit

Ang BDO ay maaaring humingi ng karagdagan na ibang Valid ID's so mas maganda kung mag dala ka ng more than 2 ay para maka sigurado at para hindi ka na babalik pa at kukuha ng ibang kelangan na requirements.

STEP 2
Pumunta sa malapit na BDO branch at kausapin ang Bank Officer sa (New Account Section) na gusto mo mag open ng bagong BDO ATM Debit Card. I handa ang mga requirements at bibigyan ka ng Bank Officer ng forms o mga documents na kelangan mo i fill-up.

STEP 3
Pagkatapos mo ma fill-up yung mga form, ibigay ang 2,000 Php para sa initial deposit at para ma bigyan ka ng deposit slip. Sasabihan ka ng Bank Officer na bumalik sa susunod na linggo.

Claiming your BDO ATM Card (Waiting Period)
Maaari mong makuha ang iyong card pagkalipas ng 7 days (1 week). Siguraduin na dalhin at i presenta ang Deposit Slip at ang iyong valid id para sa iyong pag kuha.

Ganito ang itsura ng totoong BDO ATM Debit Card:


Kapag nakuha mo na ang iyong bagong BDO ATM Debit Card, then Congratulations po! Happy Banking with BDO!

MAINTAINING BALANCE
Ang BDO ay nag oofer ng iba't ibang accounts kasama ang ATM. At magkaiba ito ng Maintaining Balance:
  • ATM Card with Passbook (Peso Passbook Savings Account): 5,000 Php
  • ATM Card without Passbook: 2,000 Php
Falling Below Maintaining Balance Penalty
BDO charges 300 Php (per month) if your ATM account falls below the required maintaining balance.



1 komento:

  1. Diko maintindihan Dito sa bdo ng candon city ilocus sur ayaw nila akong magsavings at hinanapan ako ng amo ko sa abroad ganito ba talaga BDO CANDON

    TumugonBurahin