Ako po si PJ Sumaya isa po akong dating college student na nag stop po kasi gusto ko po mag focus ng kitaan sa online kasi ayaw ko naman din maging empleyado in the first place gusto ko yung susundin ko talaga ang gusto ko yung kumita ng nasa bahay lang. Isa din po akong Investor, Blogger, Networker at Opportunity Seeker.
Nag simula po ako noong 2011 at 16 anyos pa po ako noon and at the same time nag aaral pa din po ako noong time na iyon so hindi ako masaydong makapag focus sa gusto ko gagawin at and the same time hindi rin ako makapag focus sa pag-aaral but i rather choose na nasa bahay lang kumikita kesa nag aaral ako at mag proceed chaka kuha trabaho. Ayaw ko kasi ng ganun ayaw ko ng ganun ang buhay ko. Gusto ko yumaman sa aking sariling paraan. Kaya simula nuon nag decide ako na dito ko talaga ipag patuloy ang future ko online sa mga kitaan. Sabi nila mas maganda kung may pinag-aralan ka sa skwela o i mean nakapag tapos ka ng pag-aaral alam ko naman yun pero ang sa akin nag sasayang ako ng oras kasi hindi ko naman gusto pumasok sa college at grumaduate chaka ko gagawin ang gusto ko eh sobrang sayang ng oras yun para sakin kung iginugugol ko lang sana yung oras sa pag oonline edi mas madami pa akong nalalaman na mga opportunidad. Ako kasi parati ko sinusunod yung gusto ko kahit anong mangyari hindi ko pinapansin yung opinion ng ibang tao kung ano man ang sabihin nila sakin bahala sila bsta ako may plano ako sa buhay ko at ako lang mismo ang makapag pabago ng buhay ko kaya ayaw ko. Isa sa mga rason ko kung bakit din ako huminto kasi nahihirapan ako at hindi ko kaya sobrang hirap at sa huli mag tatrabaho lang ako sa ibang tao never ko talaga gusto yun kaya gumawa talaga ako ng paraan kahit anong mangyari yayaman ako sa sa sarili kong paraan hindi yung kagaya na ginagawa ng karamihan na nasa "Rat Race" nag tatrabaho araw araw 8 hours a day. Ang sarap kaya nung feeling na nasa bahay ka lang nag re-relax habang kumikita ka at iyong sarili mismo ang pinapayaman mo kesa ibang tao.
Noon nung kaka simula ko palang na nag hanap ng kitaan sa online business ang pinaka una ko talaga napansin ay yung Paid to Click o PTC for short. Kumikita ako dito ng mga at least $0.001 o $0.01 per click at kahit maliin man ang kinita ko noon masaya parin ako specially nung naka cashout ako sa paypal for the first time dun ako napapa WOW kahit maliit man ang kita as long as legal naman at nababayaran pero nung tumagal ang panahon na discover ko yung investment na yung tipo na mag deposit ka lang ng pera dun sa kompanya at pagkatapos ng end of term ng investment mo ay tataas na yung kita na nainvest mo o maka ROI kana diretso napapa WOW din ako dun kasi kumita ka ng kahit wala kang ginagawa pero hindi lahat nag babayad kasi karamihan sa mga HYIP o High Yield Investment Program ay scam so kung gusto mo mag invest then mag invest ka in your own risk. Hindi ko alam kung magkano na total ang kinita ko sa online since nung nag sisimula pa lang ako pero all i know that marami akong na tutunan at balak ko pa gawin dito sa mga kitaan ko online at alam ko dito yung future ko dito ako yayaman wala akong paki kung ano man sasabihin ng mga tao sakin bsta ako pag patuloy ko talaga to matira mayaman :) Hindi man ako matalino hindi man ako sikat hindi man ako swerte pero marunong naman ako dumiskarte para mas mapa ginhawa yung buhay ko.
"Kung ano yung gusto mo talaga gawin sa buhay mo edi gawin mo huwag mo gawin yung ayaw mo naman talaga gawin in the first place nag sasayang ka lang ng oras kung ang ginagawa mo ay yung bagay na hinding hindi mo naman talaga gusto."
Paul John Sumaya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento